Close

July 30, 2023

Ang Napakagandang Plano Ng Ama Sa Anak

Kapag nagpaplano ang isang ama para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak, ito ba ay alinsunod sa kalooban ng Diyos? Itong linggo, pinapaalalahanan ni Ptr. Allan Rillera ang bawat ama na hanapin at sundin ang plano ng Diyos para sa kanyang mga anak at turuan sila kung paano mabuhay ayon sa nais at layunin ng Diyos.

When fathers insist on making plans for their children’s future, are these plans aligned with God’s will? This week, Ptr. Allan Rillera reminds fathers to seek God’s plan for their own children, teaching them to live according to His will and His ways.


Basahin sa Bibliya

Jeremias 29:11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Malapit ka ba sa iyong tatay (o mga taong tinuturing mong parang ama)? Paano mo ilalarawan ang iyong ama at ang inyong pakikitungo sa isa’t isa?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong ama (o sa iyong sarili) sa pamamagitan ng mensahe?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mensahe?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ilarawan ang isang buhay na malapit at malayo sa Diyos. Aling buhay ang gusto mo? Paano mo inaayon ang iyong buhay base dito?
Gaano kahalaga ang pag-uugali (character)? Bakit napakahalaga na ito’y hubugin sa salita ng Diyos at hindi sa mga kagustuhan natin?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mas mapapalapit, mapapalakas, at mapapabuti ang relasyon mo sa Diyos Ama? Ano ang kailangan mong baguhin sa buhay mo upang mangyari ito?
• Paano natin mapapangalagaan ang ating relasyon sa isa’t isa, lalo na sa ating pamilya? Anong mga konkretong aksyon ang gagawin mo simula sa linggong ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa pagiging Mabuti at Mapagmahal na Ama na may disenyo para sa pamilya at plano para sa ating buhay.
• Para sa mga ama: Humingi ng kapatawaran sa Diyos at sa iyong pamilya sa mga pagkakataong hindi mo naipakita ang pagmamahal, paggalang, paggabay, at debosyon sa iyong mga anak.
• Para sa mga hindi ama: Hilingin sa Diyos na tulungan kang patawarin ang iyong tatay (o mga taong tinuturing mong parang ama) para sa mga pagkakataong nasaktan o napabayaan kang gabayan at pahalagahan.
• Ipanalangin na ang mga ama ay magabayan at mangako na sundin ang mga tungkulin ng Panginoon para sa pagiging magulang.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.