Hindi Man Makita, God is At Work (Part 5)
Malamang nakaramdam ng desperasyon at panghihina ng loob si Esther nang kinailangan niyang isakrispisyo ang sarili para mailigtas ang kanyang mga kababayan. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Mike Cariño na ang Diyos ay patuloy na gumagalaw sa gitna ng malalagim na sitwasyon. Dapat tayong magpakumbaba at magtiwala na nasa kamay ng Diyos ang lahat.
Esther must have felt desperate and vulnerable when she sacrificed herself to save her people. This week, Ptr. Mike Cariño reminds us that God is at work even in the midst of dire situations. Let us stay humble and keep believing that God is in control.
Basahin sa Bibliya
Esther 5: 1-14
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Alalahanin at ibahagi ang isang karanasan na ikaw ay naging pabor sa kahilingan sa kapwa. Paano mo ito ginawa at anu-anong mga bagay ang ikinonsidera mo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang naging diskarte ni Reyna Ester sa paghiling sa hari?
• Anong tingin mo sa kanyang diskarte? Sa kanyang ginawa, mayroon ka bang nais tularan?
• Ilarawan si Haman. Anong tingin mo sa kanyang mga desisyon?
• Sa anong paraan mo nakikita ang pagkilos ng Diyos sa sitwasyon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Anu-ano ang mga desisyon na kinakaharap mo sa ngayon? Paano mo ito dinadala sa Diyos?
• Paano nangungusap sayo ang Diyos sa iyong sitwasyon? (Note to leaders: Maging sensitibo. Maaaring may magbahagi na wala silang magawa sa sitwasyon at kawalan ng pag-asa. Ito ay isang oportunidad upang pakinggan ang kanilang puso. Makinig, bigyan sila ng oras, at maging komportable sa katahimikan. Iwasan ang pagbibigay ng mga pansamantalang solusyon.)
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa pangungusap sayo ng Diyos, anong mga hakbang ang dapat mong gawin tungo sa isang desisyong nakatuon kay Kristo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang walang hangganang karunungan at sa pagbibigay sa atin ng pangangailangan natin sa bawat sitwasyon. Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang mga interbensyon at pagkilos sa mga sitwasyong tila wala nang pag-asa.
• Ipagkumpisal ang mga pagkakataong nakakalimutan nating magpasakop sa pamumuno ng Diyos at sa mga oras na tayo ay hindi sensitibo sa Espiritu.
• Manalangin para sa patuloy na pag-asa sa karunungan ng Diyos at pagsunod sa Espiritu.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.