Close

July 17, 2022

God Chose the Nation Israel Upang Ang Gospel ay Maipahayag Para sa Lahat (Part 1)

Ang sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. Itong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Michael Cariño kung paanong ang pagpili ng Diyos sa bayan ng Israel ay ang naging daan para sa pagdating ng tunay na Kaligtasan sa buong mundo.

Whoever calls on the name of the Lord will be saved. This week, listen to Ptr. Michael Cariño explain how the selection of Israel ushered in salvation for the world.


Basahin sa Bibliya

Romans 9,10,11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng karanasan na kung saan nalagay ka sa isang senaryo na hindi naging patas ang sitwasyon. Para saiyo, paano ito magiging patas?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Paano tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa pamamagitan ni Abraham, Isaac at Jacob?
  • Ayon sa napakinggan na mensahe, ano ang ibig sabihin ng “election or predestination”?
  • Anong klaseng pagpili mayroon ang Diyos? Anong klaseng pagpili ang mayroon tayo bilang tao?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, ano ang kabuluhan ng “kagustuhan ng Diyos na maligtas ang sangkatauhan”?
  • “Hindi tayo karapat-dapat ngunit pinaranas Ng Diyos sa atin ang Kanyang kahabagan.” Ano ang iyong saloobin tungkol dito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang iyong tugon sa kahabagan ng Diyos? Ano ang maaari mong gawin upang maalala ang Kanyang kahabagan lalo na sa mga sitwasyong hindi patas ang nangyayari?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang kahabagan at ibinigay Niya si Hesus bilang Tagapagligtas.
  • I-acknowledge ang ating mga limitasyon sa pag-unawa at ipagkatiwala sa Diyos ang mga bagay na hindi natin maunawaan dahil alam natin na ang mga paraan ng Diyos ay mas mataas kaysa sa atin.
  • Manalangin para sa kapangyarihan ng Espiritu na tulungan tayong piliin na maging katulad ni Cristo at tugisin ang Kanyang kabanalan at katuwiran sa ating pamumuhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.