Under New Ownership: Ngayong Tayo Ay Malaya Na Sa Kasalanan
Dahil kay Cristo, tayo ay nagkaroon ng bagong layunin sa buhay, at ito ay mamuhay para sa Diyos. Pakinggan natin si Ptr. Mike Cariño itong linggo upang ipapaliwanag niya na dahil kay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong buhay, bagong Panginoon at bagong adhikain sa ating buhay.
Basahin sa Bibliya
Romans 6:15-23
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Paano mo nadama o naranasan ang kagandahang loob ng Dios nitong nakaraang linggo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin ng pagiging alipin?
- Ikumpara ang pagiging alipin ng kasalanan at pagiging alipin ng Dios. Sa paanong paraan tayo magiging alipin ng Dios?
Bakit hindi dapat natin abusuhin ang kagandahan loob ng Dios?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa iyong pamumuhay ngayon, anong mga bisyo, kasamaan, o kasalanan ang nais mong talikuran?
- Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing ikaw ay nahaharap sa tukso?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ang ating mga desisyon ay may karampatang bunga. Sa paanong paraan dapat magbago ang iyong pagpipili upang talikuran ang mga masasamang gawain?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang ating Panginoon sa sapat at saganang kagandahang loob Niya tungo sa atin kaya’t tayo ay nabubuhay kasama ni Cristo ngayon at magpakailanman.
- Humingi ng kapatawaran sa Dios sa ating mga kasalanan, kasamaan, at karumihan, at tuluyang ipaubaya sa Diyos ang ating mga kahinaan.
- Humingi ng kalakasan mula sa Dios para sa buong pusong pag sunod kay Hesus para huwag nang balikan ang mga masamang gawain.
Because of Christ, we have a new purpose, which is to live for God. Let us listen to Ptr. Mike Cariño this week as he explains how, thanks to Christ, we have a new life, a new Master, and a new purpose for living.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.