Mamuhay Tayo Bilang Anak Ng Liwanag
Bilang mga Anak ng Diyos, dapat tayo’y namumuhay sa liwanag. Samahan natin si Ptr. Allan Rillera habang pinag-aaralan niya ang buhay na umiiwas sa kadiliman at naghahangad na manatili sa liwanag.
As Children of God, we should live in the light. Let us join Ptr. Allan Rillera as he studies a life that shuns darkness and seeks to stay in the light.
Basahin sa Bibliya
Efeso 5:3-14
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Sa pagpapatuloy mula sa ‘Engage the Hands’ noong nakaraang linggo, ano ang iyong ginawa upang gayahin ang Diyos sa iyong pamumuhay? Paano mo ito sinimulan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Bilang isang bagong tao kay Kristo, anong mga gawain ang hindi na dapat natin ginagawa? Bakit dapat natin ihinto ang mga gawaing ito?
- Sa halip, ano ang mga bagay na dapat nating gawin?
- Ano ang ibig sabihin na ikaw ay ginawang banal sa pamamagitan ni Kristo at ikaw ay nasa liwanag sa Panginoon? Ano ang kahalagahan na mamuhay bilang anak ng liwanag?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan at ibahagi: Mula sa mga bagay na binanggit ni Paul (Pablo), saang parte ka nahihirapan na gayahin o tularan ang Diyos? Sa anong paraan ka matutulungan ng ating grupo?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ang ating mga ginagawa ay nag-uugat sa ating relasyon kay Kristo. Ano ang maaari mong gawin upang mas lumago ang iyong relasyon kay Kristo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos dahil ginawa Niya tayong banal sa pamamagitan ni Kristo buhat ng Kanyang biyaya, grasya, at habag.
- Humingi ng tawad sa mga panahong gumagawa tayo ng mga bagay na hindi kanais-nais sa Kanya.
- Hilingin sa Diyos na tulungan tayo na iayon ang ating mga puso sa Kanya, na talikuran ang mga maruruming intensyon, na punuin ang ating isipan ng mga bagay na nakalulugod sa Kanya, at isalig ang sarili sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.