Close

August 22, 2021

Maging Mister na Naayon sa Puso ng Diyos

Sa mensaheng ito, hinihikayat ni Ptr. Allan Rillera ang bawat asawang lalaki na gampanan ang kanyang tungkulin mula sa Diyos na maging pinuno ng pamilya at punan ang kanyang responsibilidad na mahalin ang kabiyak na babae tulad ng pagmamahal ni Kristo sa simbahan.

In this message, Ptr. Allan Rillera urges every husband to fulfill his God-given role as head of the family and his God-given responsibility to love his wife as Christ loved the church.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 5:21-31

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Ano ang kabuluhan para sa iyo kung ang mga mister sa inyong grupo ay naaayon sa puso ng Diyos?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang ibig sabihin para sa iyo na magpasakop kay Hesus bilang iyong pinuno?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang Ephesians 5:21-31. Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa papel na ginagampanan ng isang asawang lalaki?
  • Para sa mga mister, anong katotohanan mula sa talatang ito ang bumabagabag / nagsisilbing hamon para sa iyo?
  • Para sa mga hindi mister, ano ang iyong saloobin para sa mga mister sa inyong grupo? Sa anong paraan mo sila maaaring suportahan upang magampanan nila ang kanilang tungkulin?
  • Sa anong paraan ipinapakita ng pagmamahal ni Cristo sa simbahan ang pagmamahal ng isang mister sa kaniyang asawa?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Para sa mga mister, ano ang nais mong ipangakong gawin upang maging mister na naaayon sa puso ng Diyos?
  • Para sa mga hindi mister, ano ang maaari mong gawin upang suportahan ang mga mister sa iyong grupo na mga maging mister na naaayon sa puso ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating mga pamilya. (10-15 minutes)
    • Kalusugan at kapakanan – pisikal, emosyonal, mental, at espiritwal.
    • Pagkakaunawaan para sa mga miyembro ng pamilya; pusong handang gampanan ang mga tungkulin na ibinigay ng Diyos sa bawat isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.