Close

March 28, 2021

Pagpapalain at Magiging Pagpapala

Ngayong Linggo, ipinapaalala ni Ptr. Allan Rillera na dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo ay Kanyang pagpapalain. Masasaksihan ng mundo na Siya’y tunay na sumasaatin.

This week, Ptr. Allan Rillera reminds us that because God loves us, He will bless us and the world will know that He is truly with us.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 8:1-23

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang sitwasyon kung saan pinagpala ka ng isang tao (maaaring sa pamamagitan ng mga salita o gawa).

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Sa vv.12-14, ginawang pagpapala ng Diyos ang mga sumpa. Ano ang mga pagpapalang ito?
  • Basahin ang vv.14-17. Ano ang hangarin ng Diyos para sa Kanyang mga tagasunod? Ano ang mga bagay na Kanyang kinapopootan?
  • Basahin ang v.23. Ano ang sinabi ng Diyos na aakit sa mga dayuhan upang sila ay sumama sa mga Hudyo?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Habang tayo ay pinagpapala sa atin ng Diyos, nais Niya na tayo ay maging matapat o makatotohanan sa ating salita, maging makatarungan, at maging tagapagpanatili ng kapayapaan (v.16). Ano ang ating mga karaniwang hadlang sa pagsasatupad ng mga ito? Ano ang maaaring humikayat sa iyo upang gawin ang mga ito?
  • Anong aspekto ng iyong buhay ang itinuturing mo na wasak or nasisira? Ibahagi ito. (Maaaring ito ay pagkabigo, kahinaan, kawalan ng pananampalataya, kasalanan, atbp. Ito ay mga bagay na naghihiwalay sa atin mula sa Diyos.)
  • Sa anong paraan maaaring mabago ang ating buhay mula sa pagkawasak tungo sa kaluwalhatian sa pamamagitan ni Jesus?
  • Paano ka magiging isang pagpapala sa mga tao sa paligid mo? Ano ang tamang motibasyon na maging isang pagpapala sa iba?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ngayong linggo upang pagpalain ang iba (maaaring iyong pamilya, kaibigan, katrabaho, atbp.)?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • 4 na milyong Pilipino ang walang trabaho.
    • Dumarami ang mga tao na dumaranas ng matinding gutom at kahirapan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.