Joseph: Tunay na Tagumpay
Makikita natin sa buhay ni Joseph ang isang uri ng tagumpay na hindi nakabatay sa kalagayan o katayuan sa buhay. Sa mensaheng ito, ibinabahagi ni Ptr. Joseph na ang tunay tagumpay ay nasa Panginoon. Tayo ay manatili sa Diyos at maging tapat sa lahat ng ipinagkatiwala Niya sa atin.
Joseph’s life shows us a different kind of success that neither depends on status nor situation. In this message, Ptr. Joseph Ouano urges us to find true success as we abide in the Lord and in remain faithful to His calling.
Basahin sa Bibliya
Genesis 39, 41-43, 50
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Pumili ng 2 miyembro upang magbahagi ng kanilang natutunan mula sa kanilang personal devotion.
- Ano ang naaalala mo sa mensahe o sa buhay ni Joseph?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang mga pinagdaanan ni Joseph?
- Anong uri ng relasyon mayroon si Joseph sa Panginoon?
- Paano napagtagumpayan ni Joseph ang mga hirap na pinagdaanan niya?
- Ano ang mga pagkakapareho ni Joseph kay Hesus?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- May karanasan ka ba na katulad sa pinagdaanan ni Joseph? Paano mo ito napagtagumpayan?
- Para sa iyo, ano ang kahulugan ng tagumpay? Ano kaya para sa Diyos ang kahulugan ng tagumpay?
- Sa pagbabalik-tanaw sa mga pagsubok na pinagdaanan mo, paano ka hinubog ng Panginoon? Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos sa mga oras na iyon?
- Naranasan mo bang magduda sa plano ng Diyos para sa buhay mo? Mangyaring ibahagi.
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa halip na magduda, paano ka magtitiwala sa plano ng Diyos?
- Isipin ang mga masasamang bagay na nangyayari sa paligid mo/sa iyo, paano ka makakatugon nang mabuti at may pagsunod sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
- Katuwiran at katarungan para sa ating bansa.
- Maka-Diyos na payo sa mga pinuno ng ating gobyerno.
- Tiwala sa kadakilaan ng Diyos at sa Kanyang plano para sa ating bansa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.