Alamin at Alalahanin
Paano natin lalabanan ang maling turo ng mga huwad na guro? Ngayong linggo, ibabahagi ni Rev. Genesis Tan ang kahalagahan ng paglago sa kaalaman ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Kapag alam natin ang katotohanan, kaya nating labanan ang kasinungalingan at kamalian sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.
How can Christians defend themselves against the deceptive teachings of false teachers? This week, Rev. Genesis Tan explains the importance of growing in the knowledge of our Lord Jesus Christ. When we know the truth, we can fight the lies and errors of false teachers through the Word of God.
Basahin sa Bibliya
2 Peter 1:12-21
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Sa anong mga paraan mo personal na naranasan o naobserbahan ang impluwensya ng mga maling turo sa loob ng iyong komunidad o kultura?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit alam ni Peter na ang itinuro niya tungkol kay Jesus ay totoo? (vv.16-18) Ano ang dahilan kung bakit mahalaga ang kanyang nasaksihang pagbagong anyo ni Jesus?
• Kung may magtatanong sa iyo kung bakit ka naniniwala na ang Bibliya ay ang Katotohanan at ang Salita ng Diyos, ano ang sasabihin mo? Anong mga pangunahing dahilan ang ibibigay mo upang patunayan ang pagiging maaasahan (reliability) at awtoridad ng Kasulatan? (vv.20-21)
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano nakaapekto ang pagiging busy sa iyong kakayahang alalahanin at i-apply ang mga katotohanan ng Salita ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay? Pag-isipan ang mga partikular na pagkakataon na humadlang ang mga ito sa iyong espirituwal na paglago.
• Ang Salita ng Diyos ay nagliliwanag sa ating mga puso sa gitna ng madilim na mundo. Paano ito sumasalamin sa mga pagsubok na pinagdadaanan mo? Tukuyin kung ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo sa paghahanap ng liwanag ng Salita ng Diyos sa panahon ng kadiliman.
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Suriin ang iyong kasalukuyang antas ng paniniwala tungkol sa awtoridad ng Bibliya sa iyong buhay. Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang mapalalim ang pananalig na ito at maiayon ang iyong mga desisyon at mga paniniwala nang mas malapit sa mga katotohanang matatagpuan sa Salita ng Diyos?
• Talakayin at magplano kasama ng iyong Life Group/komunidad kung paano ninyo sama-samang mapaunlad ang inyong grupo kung saan ang pag-aaral, pagsasabuhay, at pagpipitagan (reverence) ng Salita ng Diyos ay nangunguna sa mga makamundong bagay. Maaari mo itong isama bilang bahagi ng iyong Faith Goals para sa 2024.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Habang binabasa mo ang Salita ng Diyos, maglaan ng panahon para purihin at pasalamatan Siya para sa magagandang katotohanan na nilalaman nito at kung paano ito nagiging liwanag sa ating pinagdadaanan. Magpasalamat sa Diyos sa maraming paalala kung sino tayo ngayon kay Kristo. Ipahayag ang iyong pasasalamat dahil ang ating pagkakakilanlan ay hindi lamang dahil sa pagkamatay at kapatawaran ng kasalanan ni Kristo, kundi pati na rin sa Kanyang muling pagkabuhay at buhay na walang hanggan. • Dahil alam mo ang mga katotohanang ito, ipanalangin na manatili kang matatag sa pamumuhay na tulad ni Kristo na lumuluwalhati sa Kanya sa pansamantala at wasak na mundong ito. Hilingin sa Diyos na tulungan kang ipakita ang pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng salita at gawa sa lahat ng iyong makikilala. Humingi ng tawad sa mga pagkakataong hindi mo kinuha ang mga pagkakataong ibinigay Niya para maipahayag ang iyong Christian testimony. Ipagdasal na mahanda mo ang iyong sarili sa pagharap sa Kanya, dahil alam mong malapit na ang muling pagbabalik ni Kristo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.