Close

July 2, 2023

Hindi Man Makita, God is At Work (Part 8)

Kayang baguhin ng Diyos ang isang hindi magandang sitwasyon at gamitin ito upang magdulot ng mabuting resulta. Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño na kaya nating magtagumpay laban sa anumang uri ng kasamaan dahil sa pagpapala at proteksyon ng Diyos.

God can transform a bad situation into good outcomes. This week, Ptr. Mike Cariño reminds us that God’s provision and protection will allow us to emerge victorious against the attacks of the enemy.


Basahin sa Bibliya

Esther 8:1-17

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Anong pagpapala ang natanggap mo mula sa Diyos nitong linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano pinakita ng Diyos ang Kanyang katapatan at kapangyarihan mula sa talatang binasa?
• Sa iyong buhay, paano ipinapakita sayo ng Diyos ang Kanyang pagkilos?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa iyong karanasan, anong mga pagkakataon na inilagay mo ang iyong source of proteksyon sa ibang bagay maliban kay Hesus?
• Kamusta ang iyong relasyon kay Hesus?
• Sa anong paraan ka nabubuhay nang may tagumpay at sigla kay Hesus ngayon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong paraan mo nais makita ng mga tao si Hesus sa iyong buhay? Paano mo ito maipapakita?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil kay Hesus tayo ay tagumpay laban sa kasamaan. Magpasalamat sa provision at protection ng Panginoon sa ating buhay ngayon at sa magpakailanman.
• Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga sitwasyong mas pinipili nating umasa sa ating sariling kakayahan para sa ating proteksyon imbes na sa Diyos.
• Ipanalangin na mas tumibay ang ating pananampalataya sa Diyos upang lalong makita ng mga tao ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.