Close

May 14, 2023

Hindi Man Makita, God is At Work (Part 2)

Bagaman isang ulila at dayuhan, si Esther ay napili bilang susunod na reyna. Itong linggo, tatalakayin ni Ptr. Mike Cariño na sa kabila ng ating mga pagkukulang, kaya gamitin ng Diyos ang ating mga buhay upang tuparin ang Kanyang mga plano.

Esther was an orphan, a foreigner exiled in a strange land, and yet, she was chosen to be the next queen despite her lowly origins. This week, Ptr. Mike Cariño brings to light how God can use us despite our flaws to accomplish His plans.


Basahin sa Bibliya

Esther 2:1-23

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng karanasan kung saan ikaw ay inutusang gumawa ng isang bagay. Ano ang nangyari? Sumunod ka ba sa utos?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ilarawan ang mga tao sa talata.
• Sino si Esther? Ano ang kanyang background? Ilarawan ang kanyang ugali.
• Sa anong paraan mo nakita ang pagkilos ng Diyos sa istorya?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang mga pagkakapareho ninyo ni Esther?
• Naranasan mo bang maramdaman na ginagamit ng Diyos ang ibang tao bukod sayo?
• Ano ang iyong saloobin kapag nais ng Diyos na gawin mo ang isang bagay? Para sayo, bakit ito madali/mahirap sundin?
• Ang mabuting ginawa ni Mordecai ay kinalimutan ng ibang tao. Mayroon ka bang parehong karanasan? Ano ang naramdaman mo?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa iyong palagay, sa anong paraan ka ginagamit ng Diyos? Mayroon bang saloobin na dapat magbago upang maging bukal sa iyong loob ang paggamit sayo ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil walang buhay ang sayang para sa Diyos at lahat ng buhay natin ay Kanyang ginagamit at Siya ay may plano para sa atin.
• Manalangin para sa isang pusong kusang-loob na sumusunod sa Diyos at upang malugod bilang Kanyang instrumento para sa Kanyang kaharian.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.