Close

November 13, 2022

Oras Na Para Magising

Madalas tayong namumuhay sa maling akala na malayo pa ang pagbabalik ni Kristo. Sa mensaheng ito, ginigising ni Ptr. Jared Co ang ating mga puso’t isipan sa importansya ng gawain para sa kaligtasan ng mga naliligaw ng landas dahil malapit na ang pagdating ni Hesus.

We are often guilty of living as if Christ’s coming is still a far-off possibility. This week, Ptr. Jared Co admonishes us to live with urgency for the salvation of the lost, knowing that Christ’s coming is at hand.


Basahin sa Bibliya

Romans 13:8-14

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang love language mo? Magbahagi ng mga pagkakataon na ginagamit mo ito upang ipahayag ang pagmamahal. (Love languages: mga salita na nagpapalakas ng loob, pagseserbisyo, pisikal na paghawak, pagbigay ng oras, at pagbigay ng regalo.)

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin na ang pagmamahal ay isang patuloy na obligasyon o sagutin sa kapwa?
• Paano natutupad sa Kautusan ang pagmamahal?
• Sa nalalapit na pagdating ni Hesus, ano ang kailangan nating gawin at ano ang mga hindi na dapat nating gawin?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan mo minamahal ang iyong sarili?
• Sa anong mga paraan mo minamahal ang iyong kapwa?
• Sa anong mga paraan mo minamahal ang Diyos?
(Note to leaders: Maaaring balikan ang mga sagot sa ‘Engage with One Another’ upang mas lumalim ang talakayan kung paano ipinapahayag ng bawat isa ang kanilang pagmamahal sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos.)

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa nalalapit na pagbabalik ni Hesus, binanggit ni Pablo (Paul) ang tungkol sa paggising, pamumuhay sa liwanag, at paggawa ng mabuti. Anong mga pagbabago ang kailangan mo umpisahan ngayon? Paano mo ito gagawin?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang pag-ibig na tumutupad sa Kautusan na hindi na natin kailangan pang pagtrabahuhan ang ating kaligtasan.
• Ikumpisal ang mga ginagawa natin sa kadiliman at mga pagnanasa ng ating laman.
• Ipagdasal na bigyan tayo ng Banal na Espiritu ng isang pusong tunay na nagsisisi sa ating mga kasalanan, upang makatugon sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating sarili, sa iba, at pagsamba sa Diyos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.