Close

October 30, 2022

Tunay Magmahal


Bilang anak ng Diyos, dapat maging tunay at tapat ang ating pag-ibig sa ating kapwa. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na ituon ang ating mga puso sa pag-ibig ng Diyos na ‘syang magbibigay sa atin ng kakayahang mahalin ang bawat isa, maging ang mga taong hindi sumasang-ayon sa atin.

As children of God, we must love our neighbors genuinely. This week, Ptr. Allan Rillera urges us to fill our hearts with the love of God that enables us to love one another, even those who disagree with us.


Basahin sa Bibliya

Romans 12:9-21

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng karanasan kung saan ikaw ay nakatanggap ng tunay na pagmamahal.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang sinasabi ni Paul (Pablo) tungkol sa pagmamahal sa kapwa?
• Sa anong paraan ipinakita ni Kristo ang tunay na pagmamahal sa kapwa?
• Ano ang tamang motibasyon upang mahalin ang ating kapwa?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa iyong palagay, ano ang pinakamahirap sa pagmamahal sa kapwa?
• Pagnilayan: Mayroon bang taong mahirap mahalin? Paano nangungusap sa iyo ang Diyos sa pamamagitan ng talatang binasa?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kapag ikaw ay nahaharap sa isang tao na mahirap mahalin, ano ang maaari mong gawin upang ipakita ang pagmamahal ng Diyos sa kanya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa pag-ibig ng Diyos nang namatay si Kristo para sa atin noong tayo ay makasalanan pa.
• Humingi ng kapatawaran para sa mga oras na tayo ay nagiging palalo at hindi mapagmahal sa kapwa.
• Ipanalangin na magkaroon ng pagkakataong ibahagi ang pagpapala at pag-ibig ng Diyos nang walang pagpapanggap.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.