Close

March 6, 2022

Babala sa mga Mapagmataas

Napapahamak ang mga taong mapagmataas. Pakinggan natin si Ptr. Allan Rillera itong linggo upang alamin ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at pakikinig sa babala ng Diyos laban sa pagiging mayabang.

Daniel warned King Belshazzar about God’s displeasure with his pride. As a result of his non-repentance, God ended his kingdom. This week, Ptr. Allan Rillera discusses how God hates pride. We should not take His warning lightly as He will deal with our pride in due time.


Basahin sa Bibliya

Daniel 5:1-31

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Paano mo naranasan ang mga biyaya at kaloob ng Diyos nitong nakaraang linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Anu-ano ang mga ginawa ni Haring Belsazar na kinasusuklaman ng Diyos?
  • Ano ang natutunan mo mula kay Haring Belsazar?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Sa anong paraan ka nakaka-relate kay Haring Belsazar?
  • Para sa iyo, ano ang ibig sabihin na hindi dapat isantabi ang mensahe ng Diyos? Naranasan mo na bang balewalain ang mensahe ng Diyos? Mangyaring ibahagi ito.

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mula sa iyong natutunan, ano ang maaari mong baguhin sa iyong ginagawa upang itaas ang Diyos at hindi ang sarili?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng mga pagkakataong magsisi sa ating kasalanan.
  • Magpasalamat sa Diyos na Siya ay isang Diyos na matuwid at gracious; at sa pagbibigay ng paraan para tayo ay maligtas sa pamamagitan ni Hesus.
  • Manalangin na magkaroon ng pusong hangdang magsisi sa ating mga kasalanan at itaas ang Diyos imbes na iangat ang ating sarili.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.